|
Kumusta kayo, mga kids!
Mahilig kayong kumanta, di ba? Pakikinggan natin ngayon ang isang kundiman na komposisyon
ni José Rizal na pimagatang "Alin Mang Lahi".
Halos nabaon na sa limot ang ating mga kundiman.
Sabi ng marami, hindi raw nila "type" ang kundiman dahil masyadong malungkot, o kaya naman ay sobrang sentimental daw.
Ano nga ba ang kundiman?
Halos lahat ng kundiman ay mga kanta na nagsasaad ng pag-ibig sa tinubuang lupa.
|
Nauso ang Kundiman noong panahon ng mga Kastila kung kailan walang kalayaan ang
mga Pilipinong magpahag ng pagmamahal sa kanilang inang bayan.Ang ginamit na simbolo sa kundiman ay ang paglalarawan ng pag-ibig
ng mga binata at dalaga sa bawa't isa tulad ng matatagpuan sa mga awiting harana. Ginamit din sa paglikha ng tugtuging
Kundiman ang mga estilong musikal at tema na taglay ng sinaunang mga Kumintang (warrior songs), mga Harana (courtship songs)
at mga Balitaw (folk songs). Ngayon, lahat ng mga sina-unang mga kantang pag-ibig o "love songs" ng mga Pilipino ay
tinatawag na ring "kundiman".
|
|
Upang marinig ang isang kundiman mula sa bayan ng San Miguel, Bulacan noong 1858,
i-click ang "play button" ng "sound player". Ang pamagat nito ay CONDIMAN. Masaya ang "melody" o himig ng kundimang ito
katulad ng melody ng mga Balitaw (folk songs). Pero malalim ang lamang mensahe ng awitin at iyon ay ang pagbabalik sa sinaunang
mabuting kaugalian ng mga dalagang Filipina na sila'y dapat maging maayos at mahinhin di lamang sa pagkilos kundi rin sa kanilang
pananamit. Ang Balitaw ay mga kantang patungkol sa kapaligiran, sa mga kaugalian at sa simpleng buhay ng mga
tao sa lalawigan.
Ang ginagamit na simbolo sa kundiman ay naglalarawan ng pag-ibig ng mga binata
at dalaga sa bawa't isa. Dahil dito, marami sa tinatawag na kundiman ay hindi tunay na kundiman kundi harana (love
songs) at at balitaw na mga kantang tungkol sa kalikasan at ang simpleng buhay ng mga tao sa lalawigan (probinsiya).
Ngayon, lahat ng mga sina-unang kanta ng Pilipino ay tinatawag nang "kundiman".

Sabi ni "Titser Wes"
|
 |
 |
Maliwanag na isinasaad sa kundimang "Alin Mang Lahi" na ang ipagtanggol ang Inang
Bayan ay nasa puso at diwa ng bawa't isa.
Para kay José Rizal at sa lahat ng mga bayaning tulad nina Andres Bonifacio, Antonio Luna, Gregorio
del Pilar, atbp, matamis ang magbuwis ng buhay at dugo upang makalaya ang Inang Bayan. Ito ang isinasaad ng mga salitang,
Ang kamatayan man, kung saka-sakali Igiginhawa ng mga
kalahi Tatanggapin ng may ngiti Kasaliw ang tuwang di mumunti
Nguni't ano ang mapait na nangyayari? Higit na mapait at masaklap ang ipagkanulo
ng kapuwa kababayan, tulad ng sinasabi sa istansang ito:
Nguni’t pagkasawing-plad yata Ng katagalugang napapanganyaya Ibukod
pa sa ibang umaaba Lalong nagbibigay hapis ang ibang kapwa.
Ito ang katumbas ng pagmamalupit tayo sa ating
sariling kababayan na walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili dahil sa kanilang kakulangan ng dunong at yaman.
I-click ang larawan ni Rizal upang pakinggan |

|
at mabasa ang titik ng "Alin Mang Lahi" |
|
Ang "Kundiman" ay isang tula na isinulat ni José Rizal sa tagalog, nguni't ito ay hindi isinalin sa
musika. Gayunpaman ang tema ay tulad rin ng lahat ng kundiman, ang matinding pag-ibig sa Inang Bayan.
Kundiman
Tunay ngayong umid yaring dila't puso Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo, Bayan palibhasa'y
lupig at sumuko Sa kapabayaan ng nagturong puno.
Datapuwa't muling sisikat ang araw, Pilit maliligtas ang inaping bayan, Magbabalik mandin
at muling iiral Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.
Ibubuhos namin ang dugo't babaha Matubos nga lamang ang sa amang lupa Habang di ninilang
panahong tadhana, Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.
Ayon kay Prof. Evelyn Cabanban, may isa pang kundimang isinulat ni Rizal
na ginamit raw ng mga Kastila sa paglilitis kay Rizal bilang katibayan na ang nasabing kundiman ay ginamit ni Rizal
upang susugan ang paghihimagsik laban sa España sa mga salitang, "Ibubuhos namin ang dugo'y ibabaha ng matubos lamang ang
sa Amang lupa!" Dahil sa hindi pa ito lubos na napapatunayan, hindi isinama sa pahinang ito ang nasabing kundiman.
|
|
 |
 |

"Alin Mang Lahi" ay isa sa dalawang kundiman na katha ni José Rizal. Ang
"Awit ni Maria Clara" ay unang isinulat sa kabanata 23 ng Noli Me Tangere, nguni't nakaraan ang ilang taon
bago ito isinalin sa musika. Noong 1893, isina-musika ni Julio Nakpil ang kanyang tulang "Amor Patrio" na ang mga titik
ay kinuha sa kantang inawit ni Maria Clara.
Ang pabalat sa librong Noli me Tangere |

|
I-click ang larawan sa itaas upang pakinggan ang "Awit ni Maria Clara" |

|